Pinag-aaralan ngayon ni Sen. Sherwin Gatchalian ang paghahain ng panukalang nagbabawal sa mga mag-aaral mula elementarya hanggang senior high school na gumamit ng mobile phones sa mga silid-aralan sa oras ng klase.
Naniniwala si Gatchalian, chairman ng Senate basic education panel, na binabawasan ng mga mobile phone ang pagbabasa, pag-aaral, at oras ng pakikisalamuha ng mga estudyante.
Ayon sa senador, ito ay alinsunod na rin sa kaniyang hangarin na hikayatin ang mas maraming Pilipino na magbasa at bumili ng mas maraming libro.
Mga magulang, guro, at mag-aaral, anong opinyon ninyo sa usaping ito?
#MayorAliceAsks#MobilePhones#PromoteReadingCulture#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride