Binigyang diin ni Mayor Alice ang kahalagahan ng pagkakakilanlan, disiplina, at pagkakaisa at ang pagpigil sa diskriminasyon sa paaralan nang siyaโ€™y maghatid ng school t-shirts sa Nining Elementary School at Cacabugaoan Elementary School.

โ€œSa pamamagitan ng mga regalong unipormeng ito, alam kong magbibigay ito ng pakiramdam ng pagkakakilanlan at pagkakaisa sa inyong mga mag-aaral. Kapag mayroong uniporme, hindi na kailangang magpakita ng mga mamahaling kasuotan na makatutulong sa pagpigil ng diskriminasyon,โ€ paliwanag ng alklade.

Umabot sa 193 mag-aaral ang mapalad na tumanggap ng t-shirts na handog ni Mayor Alice at ng pamahalaang lokal ng San Nicolas na inaasahang magbibigay sa kanila ng inspirasyon upang pagbutihin pa ang kanilang pag-aaral.

#DistributionOfTShirts#NiningElementarySchool#CacabugaoanElementarySchool

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *