Naging produktibo ang Lunes ni Mayor Alice nang siya’y nakipagpulong sa iba’t ibang sektor na kaniyang nasasakupan at malugod na ginampanan ang kaniyang tungkulin bilang ina ng bayan ng San Nicolas.
Nang matapos ang flag ceremony, ininspeksyon niya ang inaayos na Red Arrow Monument kasama si Vice Mayor Alvin. Nagsagawa rin siya ng konsultasyon kasama ang ilang mga punong barangay at Sangguniang Kabataan chairperson tungkol sa kalagayan ng kanilang sektor at barangay maging ang kanilang mga pangangailangan na dapat tugunan.
Sa kaniyang opisina, nakipagpulong naman siya sa Barangay Council ng San Felipe East upang ipagkaloob ang tseke para sa kanilang barangay share mula sa income ng Agpay Eco Park. Gagamitin ang nasabing income share sa peace and order, tourism, at environment projects sa kanilang lugar.
Hindi pa rito natatapos ang Lunes ng alkalde dahil ginamit niya rin ang pagkakataong ito upang makipagpulong sa mga engineer ng pamahalaang lokal at malaman ang estado ng mga ongoing at future development sa bayan.
Nang matapos ang lahat, tumanggap na si Mayor Alice ng callers at tumulong din sa pag-assist ng mga pasyente na humihingi ng gamot sa kaniyang opisina.
#BusyMayorAlice#ProductiveMonday#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride