Nakiisa ngayong araw si Mayor Alice sa pagdiriwang ng ika-11 anibersaryo ng Jesus Is Lord Christian School na pinamumunuan ni ๐๐ญ๐ซ. ๐๐๐ง๐ง๐ฒ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ญ๐จ, school administrator.
Tampok sa isang linggong kasiyahan na may temang ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ฅ๐๐๐ซ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐ข๐๐ ๐๐ญ ๐๐ ๐๐๐๐ซ๐ฌ ang Color Fun Run, JILCS Specials, Piyesta sa JILCS, at Mr. and Ms. JILCS 2024 na layong mas maiangat pa ang antas ng pamumuno, integridad, pananampalataya, at kahusayan ng lahat ng JILian sa isang bagong panahon ng kanilang akademikong paglalakbay.




























Ayon sa alkalde, mahalaga ang papel na ginagampanan ng paaralan sa bayan ng San Nicolas bilang isang โschool of character-driven leadersโ dahil totoong kapag mabuti ang ating pagkatao, natural tayong nagiging mas may kamalayan sa sarili, nakikiramay, at may pananagutan โ mga katangiang nagbibigay-inspirasyon at nagbibigay-daan sa mga kabataan na tunay na makagawa ng positibong pagbabago sa buhay ng iba.
Samantala sa kanilang Facebook page, binigyang diin ng nasabing paaralan ang kahalagahan ng buhay bilang isang mahalagang regalo ng Diyos na dapat paunlarin, pagyamanin, at gamitin para sa kanilang makabuluhang pag-iral bilang isang JILian.
#JesusIsLordChristianSchool#CelebratingLifeat11Years#JoyfulBlessings#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyhomeMyPride