Nagsagawa ng unang pagpupulong ngayong taon ang Local School Board (LSB) sa pangunguna ni Mayor Alice upang pag-usapan ang pagpapalakas ng mga aktibidad, proyekto, at programang pang-edukasyon.
Ang pangunahing agenda ng pulong ay ang badyet ng LSB para sa CY 2024 at ang mga plano at programa sa hinaharap na makatutulong upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa buong bayan.
Kasama ng alkalde sa pagpupulong sina PTA President Rev. Joselito J. Ortiz, Mun. Coun. Amorsolo Pulido, PSDS Dr. Imelda Lazaro, PSDS Dr. Renato Umipig, SK Federation Pres. Gian Jetrho Manansala, Principal Bart Carrera, Teacher Juniebert Reyes, PDO Elmer Lucas, Mun. Treas. Francisco Ladia Jr., Atty. Francis Ditol, Richard Rae Prestoza, at Olivia Sanchez.
Ang LSB ay isang local special body na binuo upang gumawa ng mga patakaran, programa at proyekto para sa sektor ng edukasyon.
#LocalSchoolBoard#FirstLSBMeetingOf2024#EducationSector#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride