Naghatid ng ibayong kagalakan sa 908 mag-aaral mula sa apat na paaralang elementarya ng San Nicolas ang pagbisita ni Mayor Alice noong Miyerkules, Marso 13.

Kaugnay ito ng pagpapatuloy ng school t-shirt distribution na programa ng pamahalaang lokal ng San Nicolas na umani ng papuri mula sa mga magulang at guro dahil na rin sa makabuluhang hangarin nito.

Kasama ng alkalde sina Vice Mayor Alvin Bravo at ilang miyembro ng Sangguniang Bayan ng San Nicolas na naghatid ng t-shirts sa 96 mag-aaral ng San Jose Elementary School, 291 mag-aaral ng San Roque ANP Pilot School, 93 mag-aaral ng Sobol Elementary School, at 428 mag-aaral ng West Central School SPED Center.

β€œNakatataba ng puso na sa ating simpleng paraan ay nagagawa nating makapagpasaya sa mga batang ito. Kitang-kita ko ito sa kislap ng kanilang mga mata at sa kanilang abot-tengang mga ngiti,” saad ng alkalde.

#SchoolTshirtDistribution#SanNicolasElementarySchools#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon