Tila Santa Claus si Mayor Alice nang mamahagi siya ng school T-shirts kahapon ng umaga, Nobyembre 21, bilang bahagi ng 2023 Pamaskong Handog Para Sa Mga Mag-aaral ng San Nicolas.
Umabot sa 705 mag-aaral mula sa walong child development centers (CDC) at elementary schools (ES) ang nahatiran ni βMayor Santa Claus Aliceβ kasama ang kaniyang βelvesββang mga respetadong miyembro ng Sangguniang Bayan na pinangungunahan ni Vice Mayor Alvin Bravo.
Mula alas-otso hanggang alas-onse y medya, naghatid ng ibayong sayaβt tuwa si Mayor Santa Claus sa mga mag-aaral, mga magulang, at guro ng Cherry Blossom CDC, Don Cristobal ES, Ilang Ilang CDC, Sunflower CDC, Bulangit ES, Marigold CDC, Daisy CDC, at San Felipe Integrated School
βNakakawala ng pagod ang makitang masayang-masaya ang mga batang mag-aaral habang tinatanggap ang maagang pamasko ng pamahalaang lokal ng San Nicolas sa kanila. Nawaβy maging inspirasyon nila ito upang pagbutihin pa ang pag-aaral upang maabot nila ang kanilang mga pangarap sa buhay,β saad ni Mayor Alice.
#TshirtDistribution#2023PamaskongHandog#ChildDevelopmentCenters#ElementarySchools#GiftsOfLove#MayorSantaClaus#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride