𝐌𝐀𝐘 𝟏𝟑, 𝟐𝟎𝟐𝟒

Bilang pagkilala at pasasalamat sa patuloy na pagkalinga ng Mahal na Ina sa mga Pilipino, nagtipon-tipon ang daan-daang deboto sa Malico, ang barangay summer capital ng Pangasinan, upang gunitain ang Aparisyon ng Our Lady of Fatima.

Nagkaroon ng espirituwal na paglalakbay ang mga deboto na ninais madama ang presensiya ng Birheng Maria sa Marian Pilgrimage na pinangunahan nina Bishop Most Rev. Jacinto A. Jose at Rev. Father Farley Castro katuwang ang World Apostolate of Fatima at mga kaparian ng Diocese of Urdaneta.

Tumanggap ang mga deboto ng pagpapalang mensahe ng pagbabagong-loob, pagsisisi, at kaligtasan ni Hesu-Kristo sa pagdiriwang na malugod na dinaluhan at pinangunahan nina Cong. Marlyn Primicias-Agabas, Mayor Alice, at Vice Mayor Alvin.

Makalipas ang ilang taon ng pandemya, muling nagbalik ang iba’t ibang komunidad ng matatapat na deboto upang ipagdiwang ang aparisyon ng Birheng Maria na nangakong magbibigay ang Panginoong Diyos ng kapayapaan sa buong mundo kung ang Kaniyang mga kahilingan para sa panalangin, reparasyon, at pagtatalaga ay diringgin at susundin.

“Ang paglalakbay sa banal na lugar na ito’y isang pagkakataon upang palalimin ang pananampalataya, upang palakasin ang mga ugnayan sa pagitan ng mga parokya, at bumuo ng pagmamahalan sa isa’t isa,” saad ni Mayor Alice na lubos ang pasasalamat sa mga taong naging kabahagi niya upang maging matagumpay ang pagdiriwang na ito sa bayan ng San Nicolas.

#OurLadyOfFatima#MarianPilgrimage#MarianDevotees#CatholicFaith#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon