Bilang bahagi ng Sustainable Livelihood Program, sumailalim sa Micro-Enterprise Development at Financial Literacy Training ang 415 benepisyaryo ng programa sa tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kaagapay sina Sen. Alan Cayetano at Pia Cayetano, Cong. Marlyn Primicias-Agabas, at Cong. Sandro Marcos.
Sa loob ng tatlong araw, nagkaroon ng pagsasanay ang mga benepisyaryo upang mas mapalalim ang kanilang kaalaman sa pagnenegosyo at wastong paghawak ng pera at maging mas makabuluhan ang programang ito sa kanilang buhay.
Pinangunahan naman nina Reymark M. Junio – PDO II at Mark Dominic M. Ferrer – PDO II ang pagtuturo sa 415 na kwalipikado na benisyaryong binubuo ng vendors, mga kababaihan, TESDA scholars, at 4Ps graduates na dumaan sa masusing validation.
Hiling naman ng alkalde na maging atentibo sa pakikinig at isapuso’t isip ng mga benepisyaryo ang mga paksang tinalakay upang mapangalagaan at mapalago ang puhunang kanilang matatanggap.
#SustainableLivelihoodProgram#MicroEnterpriseDevelopmentTraining#FinancialLiteracyTraining#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride