Batay sa school calendar, magkakaroon ng mid-year break ang mga estudyante sa mga pampublikong paaralan sa Enero 24-26 at 29-30.
Kaugnay nito, hinimok ng Department of Education ang mga magulang na gawing makabuluhan ang mid-year break ng kanilang mga anak.
Habang naka-break ang mga estudyante, sasalang naman ang mga guro sa Midyear Performance Review and Evaluation and the School-Based In-service Training upang patatagin ang competencies ng teaching force at mapataas ang kalidad ng edukasyon.
#WalangPasok#MidYearBreak#DepEd#NoClasses#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride