Sa pagdiriwang ng ika-127 Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas ngayong 2025, isinagawa ng pamahalaang lokal ng San Nicolas ang serye ng makabayan at malikhaing mga patimpalak na nagbigay-pugay sa kasaysayan, kabataan, at kultura ng bayan.
Pinakilala sa patimpalak ang husay sa sining-digital na lumalarawan sa lokal na pamanang-kultura ng San Nicolas. Itinanghal na kampeon si Patricia Mae Itliong ng San Nicolas National High School (NHS), kasama ang kaniyang coach na si Ernani Sison, at tumanggap ng โฑ5,000 at sertipiko. Nakuha ni Bernard Andrei Espedido ng Malico NHS, sa patnubay ni Rogelio Sibayan Jr., ang ikalawang gantimpala na โฑ3,000 at sertipiko.
Ipinamalas naman ng mga kalahok sa pagtatalumpati ang lalim ng kanilang pag-unawa sa temang “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan.” Binigyang-parangal si Kathmine Faith G. Mengorio ng San Nicolas NHS bilang 1st Place winner, na tumanggap ng โฑ5,000. Nasungkit ni Jomylene A. Ladines (San Rafael NHS) ang ikalawang puwesto na may premyong โฑ3,000, samantalang si Raven C. Vergara (San Isidro NHS) ay nag-uwi ng ikatlong gantimpala at โฑ2,000.
Pinakamatalas sa kasaysayan ang Sangguniang Kabataan ng Malico na kinatawan nina Aulvin Joe Tindaan, Trisha Ann Ancheta, at Patrick James Resomadero sa ilalim ng pamumuno ni SK Chairperson Dhomenick Segundo, kayaโt tinanghal silang kampeon na may premyong โฑ8,000. Ikalawa ang Sangguniang Kabataan ng Camangaan, at ikatlo ang Sangguniang Kabataan ng Sobol. Pinarangalan din bilang Best in Costume sina Allyssa Bianca Viray at Enrico James E. Layco at tumanggap ng tig-โฑ1,000.
Ang matagumpay na selebrasyon ay pinangunahan ng Municipal Tourism, Culture, and Arts Office, at ibaโt ibang paaralan at barangay, kasama sina Bb. Tabitha Ylarde, Dr. Carl Alimorong, G. Richard Rae Prestoza, G. Shallom Gideon Balolong, at G. Gerald Paragas na nagtulungan upang maipamalas ang pagpapahalaga sa kasarinlan, kabataan, at kulturang San Nicolanianโisang paalala na sa diwa ng kalayaan, ang kabataan ay patuloy na pag-asa ng bayan.
#ArawNgKalayaan2025#PhilippineIndependenceDay#KabataangSanNicolanians#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride