πƒπˆπŽπ‚π„π’π€π πŠπ‘πˆπ’π“πŽ π‘π„π˜ πŸπŸŽπŸπŸ’, πŒπ”π‹πˆππ† πˆπƒπ€πƒπ€πŽπ’ 𝐒𝐀 ππ€π˜π€π 𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐍 ππˆπ‚πŽπ‹π€π’

Tinatayang aabot sa sampung libong mga debotong Katoliko ang dadagsa sa bayan ng San Nicolas ngayong Linggo, November 24, upang sama-samang ipagdiwang ang isang mahalagang okasyon na nagpapaalala sa kataas-taasang kapangyarihan ni Kristo sa lahat ng nilalangβ€”ang Christ the King 2024.

Taong 1996 pa nang huling idaos ang makasaysayang okasyon sa bayan kung kaya’t nagbubunyi si Mayor Alice at ang buong San Nicolas sa pagkakataong makatuwang ang Roman Catholic Diocese of Urdaneta at St. Nicholas of Tolentino Parish sa kapistahang ito na naglalayong ipakita ang kaharian ni Kristo na puno ng pag-ibig, katarungan, at kapayapaan

β€œSa panahon ng mga pagsubok at hamon, ang pagdiriwang na ito ay nagbibigay sa atin ng pag-asa at inspirasyon na magpatuloy sa ating pananampalataya at pagtitiwala sa Diyos,” saad ni Mayor Alice.

Mula sa bayan ng San Nicolas, malugod na inaanyayahan ang lahat ng mananampalatayang Katoliko na makiisa sa kapistahang ito na sisimulan sa isang Banal na Misa gaganapin sa San Nicolas Municipal Park sa ganap na ala-una ng hapon.

Sa pagdiriwang ng Christ the King 2024, tayo ay inaanyayahan na muling kilalanin si Hesus bilang ating Hari at Tagapagligtas, at ipagdiwang ang Kaniyang walang hanggang kaharian sa ating buhay.

#VivaCristoRey#ChristTheKing#ChristTheKing2024#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon