Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at ng Barangay Sto. Tomas, matagumpay na naisakatuparan ang isang mahalagang proyekto na naglalayong makapagbigay ng ibayong kaligtasan sa kanilang komunidad.
Hindi na mangangamba ang mga residente tuwing gabi dahil mas maliwanag na ang daan sa Brgy. Sto. Tomas hatid ng solar-powered streetlights.
Nagbigay ang pamahalaang lokal ng 30 piraso ng G.I. Pipe 2 1/2” S40 at apat na sako ng semento, na pinondohan mula sa Barangay Subsidy habang ang solar-powered streetlights naman ay pinondohan ng Barangay Development Fund.
Nagpasalamat si 𝐏𝐁 𝐉𝐚𝐬𝐨𝐧 𝐑𝐚𝐦𝐢𝐫𝐞𝐳 kay Mayor Alice sa pagtugon sa kanilang pangarap na gawing mas ligtas ang Barangay Sto. Tomas.
“Ang mga solar lights ay nagbibigay liwanag sa madidilim na sulok ng barangay at nagsisilbing simbolo ng pag-asa at pagbabago. Sa pamamagitan ng mga ito, mas magiging ligtas ang ating mga daanan at mababawasan ang panganib ng mga aksidente. Higit sa lahat, magkakaroon tayo ng mas magandang pagkakataon para sa mga bata at matatanda na makagalaw nang mas malaya at walang takot sa gabi,” saad niya.
Samantala, sa ikalawang yugto ng Barangay Subsidy, inaasahang patuloy na itatayo ang karagdagang solar lights sa mga lugar na nangangailangan nito.
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride