Mas ligtas at maliwanag na ngayon ang mga lansangan sa Brgy.Camindoroan matapos ang matagumpay na pag-install ng sampung heavy-duty semi-integrated solar streetlights na may kapasidad na 300 watts bawat isa at inilagay sa matibay na 2 ยฝ ร˜ S40 G.I. Pipes upang matiyak ang tibay at mahabang paggamit ng mga ito.

Layunin ng proyekto na mapabuti ang seguridad sa kalsada at matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan, lalo na ang mga naglalakbay sa gabi. Bukod dito, inaasahang magpapabilis ito ng pang-araw-araw na gawain ng mga residente, lalo na ang mga nagtatrabaho, mag-aaral, at negosyante.

Nagpapasalamat ang pamunuan ng Barangay Camindoroan sa suporta ng lokal na pamahalaan at aktibong pakikilahok ng komunidad upang maisakatuparan ang proyektong gumagamit ng renewable energy na makakatulong sa pagtitipid ng kuryente at pangangalaga sa kapaligiran.

Ayon kay Mayor Alicia Primicias-Enriquez, ang tagumpay ng proyektong ito ay bunga ng matibay na kooperasyon ng lokal napamahalaan at ng mamamayan. โ€œIto ay isang hakbang tungo sa mas ligtas at mas maunlad na barangay, at patuloy pa nating itataguyod ang mga ganitong inisyatiba,โ€ aniya.

#SolarPoweredStreetlights#BrgyCamindoroan#GreenInitiatives#RenewableEnergy#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You missed