Bilang tulong sa pagpapalaki ng kita ng mga nagtanim ng tabako, muling nahandugan ng tulong pinansyal mula sa tobacco excise tax ang 34 tobacco growers sa bayan sa tulong ng Department of Agriculture, National Tobacco Administration, at Lokal na Pamahalaan ng San Nicolas.
Tumanggap ang mga magsasaka ng Php 20,000 sa kada ektaryang kanilang sinasaka maaari nilang magamit sa pantustos sa mga gagamiting pataba at gastusin sa pagtatanim.
Kabahagi ni Mayor Alice sa pamimigay ng tulong pinansyal sina Municipal Agriculture Officer Engr. Christopher Serquiña, Coun. Jun Serquiña na Chairperson ng Committee on Agriculture, Coun. Jairus Dulay, at SK Federation Pres. Gian Jetrho Manansala.
#FinancialAssistance#SupportToTobaccoFarmers#NationalTobaccoAdministration#DepartmentOfAgriculture#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride