Bilang pagkilala sa pagiging mananampalataya ng mga mamamayan ng San Nicolas at ang lumalakas na impluwensya ng relihiyon sa lipunan ng tao, inialay ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas ang huling linggo ng Enero 2024 bilang National Bible Week na may temang Godβs Word: Foundation of all Truth.
“Hinihikayat natin ang lahat ng San Nicolanians na ipagdiwang ang Bibliya dahil naniniwala tayo na may kapangyarihan itong magbago ng buhay. Ito ang panahon na kailangan nating magbasa ng Bibliya at hindi upang matakot, ngunit upang punuin tayo ng pag-asa sa gitna ng mga hamon at sakuna,” ani Mayor Alice.
Dumalo sa nasabing selebrasyon sina Rev. Danny Caranto, chairman ng United Ministers Association of San Nicolas (UMASAN); Ptr. Joel B. Tungbaban Sr., vice chairman; Ptr. Melchor Noynay, municipal director ng National Chaplains of the Philippines (NCP), Ptr. Pepe Suyat,
Indigenous Person Mandatory Representative Felixfrey N. Lorenzo; Mun. Coun. Jairus Thom Dulay, mga miyembro ng UMASAN at NCP at ang mga guroβt mag-aaral ng Jesus is Lord Christian School.
Naging posible ang nasabing selebrasyon nang ang pamahalaang panlalawigan ilang taon na ang nakararaan ay nag-institutionalize ng National Bible Week para sa lalawigan sa pamamagitan ng isang provincial ordinance na ipinasa at inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan.
#NationalBibleMonthCelebration#GodsWordFoundationOfAllTruth#UnitedMinistersAssociationofSanNicolas#NationalChaplainsOfThePhilippines#JesusIsLordChristianSchool#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride