Bilang dagdag seguridad at proteksiyon ng mga mag-aaral ng Nining Elementary School, naglaan ng pondo ang pamahalaang lokal ng San Nicolas upang matayuan ng perimeter fence ang nasa 90 metro kuwadrado nilang bakuran.

Kaugnay nito, bumisita si Mayor Alice sa nasabing paaralan upang personal na mag-inspeksyon sa proyektong labis na ikinatuwa ng mga guro sa pangunguna ni punong guro ๐‘๐š๐Ÿ๐Ÿ๐ฒ ๐๐ž๐ซ๐ฌ๐š๐›๐š๐ฅ.

Samantala, habang nag-iinspeksyon ang alkalde ipinahayag ng mga guro ang kanilang pagnanais na maipa-renovate ang kanilang Social Hall na kanilang magagamit sa nalalapit na pagtatapos ng mga mag-aaral.

โ€œMahalaga para sa akin ang pagdadayalogo dahil dito ko nalalaman ang tunay na pangangailangan ng bawat paaralan. Natuwa ako dahil naging bukas ang mga guro sa akin kung kayaโ€™t gagawan natin ng paraan na matupad ang kanilang kahilingan,โ€ saad ni Mayor Alice.

#NiningElementarySchool#PerimeterFence#SaluteToMayorAlice#LearnersSecurity#LearnersProtection#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon