Kailian, mula sa datos ng PAGASA-DOST alas-5 ng umaga ngayong araw, ang sentro ng Tropical Storm Aghon ay namataan sa may karagatan ng Lucena City, Quezon at kumikilos pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 30 kilometro bawat oras. Taglay ni Aghon ang lakas ng hangin na umaabot sa 65 kilometro bawat oras at pagbugso ng hanggang 90 kilometro bawat oras.

Bagaman hindi gaanong malakas ang bagyo, maaaring makaranas ng pabugsu-bugsong hangin at pag-ulan ang San Nicolas ngayong araw dahil sa epekto ng bagyong Aghon. Asahan din ang mga local thunderstorm sa mga susunod na araw partikular na tuwing pagsapit ng hapon. Samantala, ang Villa Verde Road ay nananatiling bukรกs at passable sa publiko.

Narito ang mga dapat tandaan ngayong may banta ng masamang panahon:

Manatili sa loob ng bahay at maging kalmado.

Ugaliing magdala ng payong o anumang panangga sa ulan kung lalabas ng bahay.

Ilagay ang mga alagang hayop sa mas ligtas na lugar.

Ihanda ang emergency light o kandila sakaling mawalan ng kuryente.

Umantabay sa mga ulat sa mass media at manatiling nakatutok sa ๐’๐š๐ง ๐๐ข๐œ๐จ๐ฅ๐š๐ฌ, ๐๐š๐ง๐ ๐š๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ง ๐Œ๐ฒ ๐‡๐จ๐ฆ๐ž ๐Œ๐ฒ ๐๐ซ๐ข๐๐ž para sa mga mahahalagang impormasyon ukol sa bagyo.

Alamin ang mga emergency/hotline numbers na maaaring tawagan.

๐’๐€๐ ๐๐ˆ๐‚๐Ž๐‹๐€๐’ ๐„๐Œ๐„๐‘๐†๐„๐๐‚๐˜ ๐‡๐Ž๐“๐‹๐ˆ๐๐„๐’

๐๐…๐โ€” 0917-187-4611

๐๐๐โ€” 0920-841-0437

๐‘๐‡๐”โ€” 0950-514-6686

๐Œ๐ƒ๐‘๐‘๐Œ๐Žโ€” 0917-813-0141

๐’๐€๐๐ˆ๐–๐€๐ƒโ€” 0999-889-8987

๐๐€๐๐„๐‹๐‚๐Ž ๐ˆ๐ˆ๐ˆโ€” 0933-815-4100

Kailian, stay alert at mag-ingat po tayong lahat.

#AghonPH#WeatherUpdate#WeatherUpdateToday#Prevent#Prepare#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *