Binigyang diin ng National Chaplains of the Philippines (NCP) ang kahalagahan ng pagpapalalim ng pananampalataya sa Diyos at espirituwal na kaalaman sa kanilang orientation program na dinaluhan ng 41 na delegado mula sa San Nicolas at mga karatig na bayan.

Upang mas mapagtibay pa ang Moral Recovery Program, muling binalikan ng mga delegado ang kanilang mga responsibilidad at gampanin bilang chaplains, ang pagpapatibay sa kanilang samahan sa NCP maging ang pag-alam sa kasalukuyang sitwasyon sa kanilang mga nasasakupan.

Pinangunahan ang nasabing orientation program nina Bishop Wilfredo Mallavo, National Speaker Bureau (NSB) provincial deputy external; NSB Victor Rodriguez, NCP multimedia; NSB Ramon Diesto, NCP municipal director of Lingayen; Ptr. Edmundo De Jesus Jr., NCP municipal director of San Manual; at Ptr. Manny Tabingo, NCP municipal director of Tayug.

#NationalChaplainsOfThePhilippines#OrientationProgram#MoralRecoveryProgram#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon