Hindi na makapaghintay ang mga residente na maisakatuparan ang 300-metrong Sto. Tomas- Old Calanutian Road sa tulong ng pamahalaang lokal ng San Nicolas na magbibigay daan sa isang panibagong road project ni Mayor Alice sa Brgy. Sto. Tomas na pinamumunuan ni ๐๐ ๐‰๐š๐ฌ๐จ๐ง ๐‘๐š๐ฆ๐ข๐ซ๐ž๐ณ.

Dahil ito sa pagnanais ni Mayor Alice na maisaayos ang mga daan anumang sulok ng San Nicolas na isang paraan upang maiangat pa ang buhay ng mga San Nicolanian.

โ€œAng maayos na mga daan ay makatutulong upang mas mabilis na makapaghatid ng serbisyo ang mga residente, makarating ang mga kalakal sa merkado, at makapasok ang ibaโ€™t ibang oportunidad na datiโ€™y nahahadlangan dahil sa hindi maayos na mga daan,โ€ saad ni Mayor Alice.

Sa tulong ng Barangay Subsidy, nagkaroon din ng solar dryer pavement at solar powered streetlights ang nasabing barangay na lubos nang pinakikinabangan ng mga residente ngayon.

#MayoralVisits#BrgyStoTomas#Backfilling#ThankYouMayorAlice#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You missed