Mas sigurado na ang madaling transportasyon, mas mabilis na pagproseso sa mga produkto, at kaligtasan sa sakuna ng bawat San Nicolanian dahil sa bagong proyektong hatid ni π§π’ πππ‘ ππ’π¬ππ«π’ππ π¨π πππ§π ππ¬π’π§ππ§ πππ©π«ππ¬ππ§ππππ’π―π ππππ². πππ«π₯π²π§ π. ππ«π’π¦π’ππ’ππ¬-ππ ππππ¬ sa bayan ng San Nicolas.
Dahil mahalaga para sa kongresista ang maayos at kalidad na daan sa transportasyon, komersyo, at pakikipag-ugnayan, pinondohan niya ang concreting at rehabilitasyon ng Poblacion-Casaratan Road Project na may habang 769 metro, lapad na 10 metro at kapal na 0.25 metro.
βDahil sa maaayos at pinag-isipang pagpaplano sa proyektong ito sa gilid ng dike, maginhawa nang makapapasok sa trabaho ang mga mamamayan at pati na rin ang mga nag-aaral. Ang mga kalakal naman ay maginhawang makararating sa kanilang mga patutunguhan. Kaya malaki ang pasasalamat ko kay Cong. Marlyn sa napakalaking bahagi niya sa programang impraestruktura sa bayan ng San Nicolas,β pahayag ni Mayor Alice.
Matagal nang butas-butas at bako-bako ang nasabing daan na nagiging dahilan nang pagkasira ng ibang mga sasakyan kung kayaβt sinigurado ni Cong. Marlyn na matibay ang daan upang magtagal nang matagal na panahon at mapakinabangan pa rin ng mga darating pang mga henerasyon.
βHindi kami magsasawang magpasalamat kay Cong. Marlyn dahil patuloy niyang iniisip ang ikabubuti ng mga San Nicolanian. Simula nang maluklok ako bilang alkalde, siya ang naging sandigan ko upang maabot ng San Nicolas ang tinatamasa nitong tagumpay ngayon,β dagdag pa ni Mayor Alice.
#ThankyouCongresswomanMarlynPrimiciasAgabas#ConcretingAndRehabilitationOfRoads#Poblacion#Casaratan#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride