Lakip ng layuning maisulong pa ang kabuhayan ng mga magsasaka sa bayan sa pamamagitan ng mga makabuluhang programang pang-agrikultura, nakipagpulong sina Committee Chairperson on Agriculture at π™ˆπ™ͺ𝙣. π˜Ύπ™€π™ͺ𝙣. π™…π™€π™¨π™š β€œπ™…π™ͺ𝙣” π™Žπ™šπ™§π™¦π™ͺπ™žπ™£Μƒπ™–. 𝙅𝙧. at Municipal Agriculture Officer π™€π™£π™œπ™§. π˜Ύπ™π™§π™žπ™¨π™©π™€π™₯π™π™šπ™§ π™Žπ™šπ™§π™¦π™ͺπ™žπ™£Μƒπ™– kay Mayor Alice.

Inilatag nina Coun. Jun at Engr. SerquiΓ±a ang mga programang pinaghahandaan na para sa mga magsasaka tulad ng pamamahagi ng mga hybrid na binhi, vaccination ng mga alagang hayop, at pamamahagi ng mga pataba para sa mga pananim.

β€œSusuportahan natin ang mga programang kailangang-kailangan nila dahil alam nating malaking bagay para sa ating mga magsasaka ang mga ito. Bilang isang agrikultural na bayan, umaasa ang buong San Nicolas sa ating mga magsasaka kaya nararapat lamang na bigyan sila ng atensyon at pagpapahalaga,” saad ni Mayor Alice.

#AgriculturalProgramsForFarmers#SupportToFarmers#ImprovingYieldsForBetterEconomy#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon