Handa ka na bang matuto ng mahahalagang kasanayan sa tubig?

Sa pangunguna ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez at ng pamahalaang lokal ng San Nicolas, ilulunsad na ang Project SAFE KIDS (School Action For Emergencyโ€”Keeping Individuals Drown-Safe) na may hatid na libreng water survival at swimming lessons para sa mga mag-aaral sa Grade 5 at 6 na naglalayong gawing drowning-free municipality ang San Nicolas.

๐Ÿ“…๐Š๐€๐ˆ๐‹๐€๐? Tuwing Sabado, 9:00 AM โ€“ 12:00 NN

๐Ÿ“๐’๐€๐€๐? Agpay Eco Park, Brgy. San Felipe East

๐Ÿ‘ฆ๐’๐ˆ๐๐Ž? Grade 5 at 6 learners

๐๐€๐Š๐ˆ๐“ ๐ˆ๐“๐Ž ๐Œ๐€๐‡๐€๐‹๐€๐†๐€?

Ayon sa World Health Organization, mahigit 3,000 Pilipino ang namamatay sa pagkalunod taon-taonโ€”katumbas ng 10 buhay kada araw. Sa datos ng Philippine Statistics Authority, umabot sa 3,604 ang bilang ng mga namatay dahil sa aksidenteng pagkalunod noong 2021, kung saan 35% ay mga bata.

Hindi natin hahayaang maging biktima ang ating kabataan! Kaya tara na at matuto ng water survival techniques! Sa tulong ng mga eksperto mula sa San Nicolas Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council, matutunan mo ang mga tamang hakbang sa pagligtas sa sarili at iba pa sa tubig.

๐๐€๐€๐๐Ž ๐Œ๐€๐Š๐€๐Š๐€๐’๐€๐‹๐ˆ?

๐Ÿ“ฒ Tumawag o mag-text: (0920) 944 7105

๐Ÿšถ Walk-in Registration: Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office

Huwag palampasin ang pagkakataong ito! Sama-sama tayong gawing ligtas ang San Nicolas para sa ating kabataan!

#ProjectSAFEKIDS#DrownSafe#EndDrowningNow#WaterSurvivalLessons#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You missed