Makitid. Madilim. Nakatatakot. Ganito kung ilarawan ng mga residente ang Malilion-Poblacion Road noon. Ngayon, punong-puno na ito ng mga papuri dahil sa malaking pagbabago nito sa tulong ni Mayor Alice at ng pamahalaang lokal ng San Nicolas.

Isa si Sheena Luzano, guro sa pampublikong paaralan, sa mga pumuri sa proyektong ito dahil sa road widening na may slope protection, provision of barriers, widening ng Bitin Bridge, at installation ng solar streetlights.

β€œHindi ka na mangangambang mag-drive kahit sa gabi dahil bukod sa maluwang na ang kalsada, maliwanag pa ito. Napakalaki ng pagbabago sa daang ito sa Northern Ambayoan at malaking tulong ito sa aming biyahe papuntang bayan at pauwi sa amin,” saad ni Teacher Sheena.

Samantala, nag-allocate muli si Mayor Alice ng budget para sa pagpapatuloy ng road widening at solar streetlights upang tuloy-tuloy nang maliwanagan at mapabuti ang estado ng daan na makatutulong sa mga motorista.

https://fb.watch/tE1dRuPIye

#MalilionPoblacionRoad#ThankYouMayorAlice#ThankYouLGUSanNicolas#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon