Ayon sa resulta ng 2024 Functional Literacy, Education, and Mass Media Survey (FLEMMS) na isinagawa ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang probinsya ng Pangasinan ang nakapagtala ng pinakamababang antas ng basic at functional literacy sa buong Rehiyon I.

Batay sa datos, 88.7 porsyento ng mga mamamayan ng Pangasinan na may edad 5 pataas ang may basic literacy, mas mababa kumpara sa ibang probinsya sa rehiyon. Samantala, sa usapin ng functional literacy, na sumasaklaw sa kakayahang magbasa, magsulat, bumilang, at umunawa nang mas malalim, 62.3 porsyento lamang ng mga indibidwal na may edad 10 hanggang 64 ang itinuturing na functionally literate, na pinakamababa rin sa rehiyon.

Sa kabuuan, naitala sa Rehiyon I ang 89.6 porsyentong basic literacy rate, kung saan nangunguna ang Ilocos Sur sa 93.4 porsyento, kasunod ang Ilocos Norte na may 89.7 porsyento. Samantala, ang functional literacy rate ng rehiyon ay 64.3 porsyento kung saan La Union ang may pinakamataas na bilang na 71.5 porsyento, sinundan ng Ilocos Sur at Ilocos Norte.

Ang FLEMMS ay isinagawa upang masuri ang estado ng literacy sa bansa at gumagamit ng isang binagong operational na depinisyon at metodolohiya alinsunod sa PSA Board Resolution No. 13, Series of 2024.

Ang basic literacy ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na bumasa at sumulat ng simpleng mensahe nang may pang-unawa sa anumang wika o diyalekto, pati na rin sa pagsasagawa ng pangunahing operasyon sa matematika. Samantala, ang functional literacy ay mas mataas na antas ng kakayahan na kinabibilangan ng pagpapakahulugan ng impormasyon at paggawa ng mga inferensya.

Sa gitna ng mga natuklasang ito, inaasahang magsasagawa ng hakbang ang mga lokal na pamahalaan at sektor ng edukasyon upang mapabuti ang literacy rate sa Pangasinan at sa buong Rehiyon I.

#InTheNews#BasicLiteracy#FunctionalLiteracy#PSA

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You missed