Mga minamahal kong kailian,
Simula nang ating pamunuan ang Oplan Semana Santa 2025, hindi na nagkamayaw ang lahat ng miyembro ng working committee, mga kawani ng lokal na pamahalaan, rescue teams, at volunteer groups upang masigurong payapa at organisado ang paggunita ng Mahal na Araw. Lubos na naghanda ang lahat at sinikap na maging makabuluhan ang banal na linggong ito.
Sa aking isinagawang inspeksyon kahapon, nasaksihan ko mismo ang dedikasyon at pagsusumikap ng bawat isa sa kabila ng napakainit na panahon. Binisita ko ang bawat incident command post at checkpoint, nangumusta, nagpasalamat, at umalalay sa mga kinakailangan pang suporta at tulong.
Nakatutuwa na hindi lamang maayos at sistematiko ang ating mga destinasyon, kundi masayang-masaya rin ang ating mga bisita. Marami sa kanila ang nagpahayag ng pasasalamat, humiling ng larawan, at pumuri sa kagandahan ng ating bayanโhigit sa lahat, ang maayos at epektibong sistemang ating ipinamalas, na kanilang ikinumpara at itinuring na mas maganda pa kaysa sa ibang bayan.
Nakapagtala tayo ng libo-libong mga bisita mula sa mga karatig bayan at iba pang mga probinsya. Napakalaking tulong ng social media sapagkat patuloy na kinikilala ang ating bayan at marami ang nabibighani sa kariktan ng Agpay Eco Park, Puyao Picnic Grounds, Malico, at Sabangan River. Salamat sa Panginoong Diyos dahil ginamit Niya akong instrumento upang pangunahan ang pagsasaayos ng ating mga pook-pasyalan at mas binigyang halaga ng maraming tao ang ating โhome at prideโโang San Nicolas.
Ang tagumpay na ito ay tagumpay ng buong San Nicolas. Patuloy nawa tayong magkaisa para sa ikabubuti ng ating bayan. Nawaโy maging gabay natin ang pananampalataya sa Diyos at pagmamahal sa isaโt isa sa lahat ng ating gawain.
Muli, maraming salamat sa inyong lahat. Mabuhay ang San Nicolas!
~๐๐๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐ฅ๐ข๐๐ข๐ ๐. ๐๐ซ๐ข๐ฆ๐ข๐๐ข๐๐ฌ-๐๐ง๐ซ๐ข๐ช๐ฎ๐๐ณ
#OplanSemanaSanta2025#HolyWeek2025#BestTouristSpots#HomeAndPride#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride