Pinakabinaha ng tao ang Puyao Picnic Grounds na nagtala ng 3,750 katao na kamakailan lang ay naibalita sa 24 Oras. Pumangalawa naman ang Malico na may 1,350 turista na kilala sa malamig na klima at tanawing bundok.

Samantala, sa Agpay Eco Park ay may 733 bisita na sumabak sa iba’t ibang eco-adventures habang nakapagtala naman ang Sabangan River ng 70 katao.

Ipinakita ng mga datos na ito ang masiglang turismo sa San Nicolas, isang positibong indikasyon para sa lokal na ekonomiya at komunidad. Ayon kay Mayor Alicia Primicias-Enriquez, malaking tulong ang ginawang promosyon ng mga pasyalan pati na rin ang seguridad at kalinisan sa lugar kung kayaโ€™t patuloy na dinadagsa ang bayan ng San Nicolas.

#TouristArrivals#SustainableTourism#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *