Sa isinagawang orientation at planning, nasa 165 na kuwalipikadong 4Ps ang mabibigyan ng sustainable livelihood na aabot sa P15,000 sa tulong nina Ilocos Norte 1st District Rep. Ferdinand Alexander Marcos, Pangasinan 6th District Rep. Marlyn Primicias-Agabas, at ng Department of Social Welfare and Development.
Nagpaalala naman si Mayor Alice sa mga benepisyaryo na palaguin ang matatanggap na tulong pinansyal upang makatulong sa kanilang mapaginhawa ang kani-kanilang bahay at magbigay nawa ng pag-asa ang ganitong programa upang patuloy silang lumaban nang patas sa buhay.
Katuwang ng alkalde sa orientation at planning sina Vice Mayor Alvin, Coun. Amor Pulido, Coun. Leomar Saldivar, Coun.Pedrelito Bibat, Municipal Social Welfare and Development Officer Delia Dalutag, PDO II Francis Bustamante, PDO II Marvilyn Soriano, PDO II Mark Vince Brillantes, PDO II Kryzia Jelle Castillano, PDO II ArtlynneMarie Caalim, at PDO II Jacqueline Vidal.
#SustainableLivelihoodProgram#OrientationAndPlanning#4PsBeneficiaries#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride