Iniulat ng pamahalaang lokal ng San Nicolas ang pagtatapos ng road widening project sa Brgy. Sto. Tomas bilang panibagong tagumpay sa programang impraestruktura ng bayan na nagdulot ng kaginhawaan sa mga residente nito lalong-lalo na sa mga motorista.
Sinabi ni Mayor Alice na saklaw ng proyekto ang pagtatayo ng 405-meter-long, 2-meter-wide, at 0.15-meter-thick na karagdagang road shoulder na kaya nang mag-accommodate ng mas marami pang sasakyan.
Dahil mahalaga para sa alkalde ang maayos at kalidรกd na daan sa transportasyon, komersyo, at pakikipag-ugnayan, sinikap niyang maituloy ang proyektong ito sa nasabing barangay na nagsimula pa noong 2021.
โSalamat kay Mayor Alice sa patuloy na pagpapadama ng pagmamahal at suporta sa aming barangay. Patuloy ang pagbabago at progreso ng ating mahal na bayan na San Nicolas,โ saad ni ๐๐ ๐๐๐ฌ๐จ๐ง ๐. ๐๐๐ฆ๐ข๐ซ๐๐ณ.
#ConcretingAndRehabilitationOfRoad#RoadWideningProject#TravelEase#Transportation#BrgyStoTomas#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride