Makalipas lamang ang tatlong buwan nang mabigyan ng akreditasyon bilang isang training center sa pagtuturo ng Bread and Pastry Production NC II, isang panibagong accomplishment ang tinanggap ng pamahalaang lokal ng San Nicolasβang pagkakaroon na mismo ng accreditation bilang assessment center ng San Nicolas, Pangasinan Training and Assessment Center mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Upang suriin ang kakayahan ng center na magsagawa ng assessment sa mga mag-aaral nito sa pamamagitan ng kakayahan ng guro, pasilidad, kakayahang mabuhay ng programang iniaalok at mga tuntuning pang-akademiko, dumating sina Josephine Andojera, TESDA specialist- Regional Office assessment focal person; Ronald Allan Sta. Ana, Pangasinan Supervising TESDA specialist; Irene Garcia, associate professor and BPP technical expert; Lara Mae A. Abinoja, TESDA specialist- Provincial Office assessment alternate focal person; at Rey Bon Sinlao- Provincial Office administrative support staff.
Matatandaang noong Oktubre 16, 2023 nang tanggapin ang Certificate of Accreditation ng TESDA Training Center specializing in Bread and Pastry Production NC II mula kay Provincial Director Rolando V. Dela Torre.
Ang San Nicolas, Pangasinan Training and Assessment Center ang kauna-unahang training center sa ika-anim na distrito ng Pangasinan na pinamumunuan ng isang local government unit.
#AnotherAchievementUnlocked#AccreditedTESDATrainingCenter#TheFirstInThe6thDistrictOfPangasinan#SanNicolasTrainingAndAssessmentCenter#BreadAndPastryProduction#ThankYouTESDA#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride