Tila bumaba ang mga anghel sa langit at umawit ng mga awiting pamasko kasabay ng agaw-pansin na dancing fountain at mga bagong atraksyon, at kumikinang na mga paputok sa Christmas in the Park sa bayan ng San Nicolas nang pormal itong magbukΓ‘s sa publiko nito lamang Disyembre 2.

Nagsilbing panauhing pandangal si Cong. Marlyn Primicias-Agabas sa lighting ceremony na dinagsa ng mga San Nicolanian at mga lokal na turista. Bukod sa kongresista, dumalo rin sa pagpapailaw sina Tayug Mayor Tyrone Agabas at Vice Mayor Lorna Primicias.

Patok sa mga San Nicolanian at mga lokal na turista na nabighani at mamangha sa pink and blue-themed park na nagbigay daan din upang muling buksan ang Food Bazaar na dinagsa rin ng mga tao bilang pagsuporta sa micro, small, at medium enterprises.

Pinuri naman si Mayor Alice sa social media dahil sa kaniyang liderato upang patuloy na pagandahin at gawing β€œhome” at β€œpride” ang bayan ng San Nicolas katuwang ang Sangguniang Bayan na pinangungunahan ni Vice Mayor Alvin Bravo.

Binigyang diin naman ng alkalde na ang pagpupugay sa ating dakilang Tagapagligtas ang tunay na diwa ng ating pagdiriwang ng Pasko.

#ChristmasInThePark2023#LightingCeremony#Hope#Faith#Love#MerryChristmas#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon