Sa wakas, natanggap na ng bayan ng San Nicolas ang akreditasyon mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa kauna-unahang training center sa ika-anim na distrito ng Pangasinan na pamumunuan ng isang local government unit.
Sa awarding ceremony na ginanap sa Brgy. Salingcob ngayong araw, Oktubre 16, hindi napigilan ni Mayor Alice ang maging emosyonal nang tanggapin ang Certificate of Accreditation ng TESDA Training Center specializing in Bread and Pastry Production mula kay Provincial Director Rolando V. Dela Torre
βInihanda natin ang skills training at assessment center na ito upang sanayin ang mga potensyal na manggagawang San Nicolanians na makadadagdag sa mga kinakailangan na manggagawa ng mga industriya sa lalawigan. Ngunit hindi ako naging handa sa aking nararamdaman ngayon nang matanggap natin sa wakas ang accreditation mula sa TESDA,β saad ng alkalde.
Pagpapatuloy ni Mayor Alice, labis ang kaniyang kagalakan dahil ang pangarap na ito na nagsimula noong 2019 ay naging posible makalipas ang apat na taon; nagpasalamat siya kina Cong. Marlyn L. Primicias-Agabas at Director Dela Torre kabilang ang mga dating TESDA Provincial Directors na sina Joel Pilotin at Jimmicio Daoaten na nag-udyok sa kaniyang ituloy ang akreditasyon ng training center sa bayan.
βAng Certificate of Accreditation na ito ay kahayagan ng ating pagsisikap para sa buong bayan ng San Nicolas. Hindi lang ito napakagandang income para sa ating bayan kung hindi matutulungan pa natin ang out-of-school youths, single parents, persons with disabilities, at lahat ng mga residente na willing mag-undergo ng training at tulungang maiangat ang kanilang sariling pamumuhay,β pagpapatuloy ni Mayor Alice.
Ang nasabing awarding ceremony ay dinaluhan nina Hon. Marlyn L. Primicias – Agabas, Pangasinan 6thCongressional District Representative, Vice Mayor Alvin O. Bravo kasama ang Sangguniang Bayan ng San Nicolas, mga Punong barangay, mga Department heads, at ang Kagawaran ng Edukasyon sa pamumuno nina Dr. Renato Umipig ng San Nicolas I at Dr. Imelda Sante Lazaro ng San Nicolas II.
#TheFirstInThe6thDistrictOfPangasinan#SanNicolasTESDATrainingCenter
#PangarapParaSaBayan#Hiraya#BreadAndPastryCourseInSanNicolas#ThankYouPoTESDA#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride