Sa pagdiriwang ng Drug Abuse Prevention and Control Week, ginawaran ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal noong Nobyembre 24 ang pamahalaang lokal ng San Nicolas para sa pagpapatupad ng huwarang pagganap sa kampanya laban sa iligal na droga.
Tinanggap nina Mayor Alice at Municipal Local Government Operations Officer Joey Agustin ang Regional Award ng LGU San Nicolas bilang Outstanding Anti-Drug Abuse Councils and Peace and Order Councils sa La Union Convention Center, San Fernando City, La Union.
Kinilala ang LGU San Nicolas sa dedikasyon at serbisyo nito sa pagbibigay ng kalidad na Community-Based Drug Rehabilitation Program para sa mga taong gumagamit ng droga kung kayaβt nakatanggap ng 100 functionality score ang Municipal Peace and Order Council nito.
βMaraming salamat kina MLGOO Joey Agustin at PCapt. George Banayos Jr. dahil sa naging malaking bahagi nila na aktibong palalakasin ang giyera laban sa iligal na droga sa ating bayan,β ani Mayor Alice.
#HighFunctionality#CongratulationsLGUSanNicolas#RegionalADACAwards2023#DepartmentOfInteriorAndLocalGovernment#DrugAbusePreventionAndControlWeek#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride