Pagkatapos ng 18 araw na pagsasanay, nakumpleto na ng unang batch ng scholars ng San Nicolas ang kanilang training mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na magagamit nila para simulan ang kanilang sariling negosyo at maiangat ang kanilang estado sa buhay.

Masayang tinanggap ng 25 TESDA scholars ang kanilang Certificate of Training at allowance para sa Bread and Pastry Production NC II mula sa tumatayong school administrator na si Mayor Alice, trainor at assessor Sir Higino Villar III, at PESO Officer Atty. Charlene Lagua sa isang awarding ceremony na ginanaop sa San Nicolas Pangasinan Training and Assessment Center.

Samantala, hinimok naman ng alkalde ang mga nagtapos na gamitin nang mahusay ang kanilang mga natutuhan sa kanilang magiging trabaho at ipakilala sa iba ang mga bagong pamamaraan na natutuhan nila upang mapabuti ang kanilang buhay at maging produktibo rin ang kanilang kapuwa.

#Batch1Scholars#CongratulationsTESDAGraduates#WeAreProudOfYou#SaTESDAbotLahat#TESDAGraduationCeremony#GloballyCompetitive#SkilledAndCompetentGraduates#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon