Inanunsyo ng PANELCO III ang nakaiskedyul na power interruption sa buong bayan ng San Nicolas sa darating na Sabado, Hunyo 21, 2025 mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Ayon sa abiso, ang pansamantalang pagkawala ng kuryente ay bahagi ng mga sumusunod na gawaing teknikal:
1. Pagpapatuloy ng retrofitting ng Vacuum Circuit Breaker (VCB) sa Barangobong 10MVA Substation
2. Pagwawasto ng mga natukoy na teknikal na isyu sa 3-phase line
3. Pagsasagawa ng Right-of-Way (ROW) clearing activity para sa kaligtasan at mas maayos na serbisyo ng kuryente
Para sa inyong kaligtasan, mainam na i-unplug ang mga appliances kapag hindi ginagamit at maghanda ng alternatibong ilaw o power source habang inaasikaso ang nasabing maintenance.
Manatiling nakaantabay sa karagdagang abiso mula sa PANELCO III.
Pubmat Courtesy of PANELCO III Official
#PowerInterruption#ScheduleAlert#PANELCOIII#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride