Sa tulong ni 𝐒𝐞𝐧𝐚𝐭𝐨𝐫 𝐈𝐦𝐞𝐞 𝐑. 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐨𝐬 sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), namahagi ng tulong pinansiyal o Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) kahapon, Martes, Oktubre 17.
Tumanggap ng tulong pinansiyal ang mga senior citizens edad 85 pataas, mga estudyante sa kolehiyo, solo parents, mga nangangailangan ng medical assistance, at mga bata na nasangkot sa ilegal na gawain o children in conflict with the law.
Nagsilbing kinatawan ni Sen. Marcos si 𝐂𝐨𝐧𝐠. 𝐌𝐚𝐫𝐥𝐲𝐧 𝐋. 𝐏𝐫𝐢𝐦𝐢𝐜𝐢𝐚𝐬-𝐀𝐠𝐚𝐛𝐚𝐬 sa distribution ceremony na ginanap sa San Nicolas Municipal Auditorium kasama sina Mayor Alicia L. Primicias-Enriquez, Municipal Social Welfare and Development Officer Delia Dalutag, DSWD Regional Office sa pangunguna ni Stephanie Ventura, PJ Magat na staff ni Sen. Marcos, Vice Mayor Alvin Bravo at ang Sangguniang Bayan ng San Nicolas, Police Capt. George Banayos, at lahat ng job orders ng pamahalaang lokal.
“Alam ni Sen. Imee Marcos ang kalagayan ng kaniyang mga kapwa Ilokano rito sa San Nicolas. Kaya sana makatulong sa mga benepisyaryo ang ayudang ito na naisakatuparan dahil na rin sa tulong ni Cong. Marlyn L. Primicias-Agabas,” saad ni Mayor Alice.
Humingi naman ng pasensiya ang alkalde sa mga hindi nakatanggap ng nasabing ayuda ngunit nangakong hindi sila humihinto na mag-source out ng pondo para sa AICS sa bayan.
#ThankYouSenatorImeeMarcos#AssistanceToIndividualsInCrisisSituation#ThankYouCongresswomanMarlynPrimiciasAgabas#DepartmentOfSocialWelfareAndDevelopment#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride