Nagbigay ng pag-asa sa mga residente ng Brgy. Calaocan ang sementadong daan na handog ng pamahalaang lokal ng San Nicolas dahil mas mapapabilis na ang mga serbisyo ng transportasyon sa kanilang lugar.

Ang nasabing proyekto sa Sitio Daya 1 at 2 na may habang 41 metro, luwang na 2.2 metro, kapal na 0.15 metro ay pinondohan mula sa Barangay Subsidy Fund na nagbigay daan upang maipagkaloob ang mga materyales gaya ng mahigit 244 na sako ng semento, 5.4 truckload ng mixed sand, at 9.6 truckload ng gravel sand ¾”.

Sa pagbisita ni Mayor Alice, malugod siyang sinalubong ng mga miyembro ng barangay council sa pamumuno ni 𝐏𝐁 𝐌𝐮𝐫𝐩𝐡𝐲 𝐄𝐬𝐭𝐫𝐚𝐝𝐚 na nagpaabot ng pasasalamat at nagparating din ng kanilang mga proyektong nais pang matupad sa kanilang barangay.

#BarangayCalaocan#BarangayRoad#RoadConcreting#InfrastructureProject#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon