Mapapadali na ang pagpapatuyo ng mga inaning produkto ng mga magsasaka mula sa Brgy. Sto. Tomas dahil handog ni Mayor Alice ang solar drying pavement na malaking kapakinabangan sa kanila.
Ang 11-metro drying pavement na may lapad na 16.73 metro at kapal na 0.15 metro ay naipagawa mula sa mga materyales gaya ng 243 na sako ng semento, limang truckload ng buhangin at sampung truckload ng graba na ipinagkaloob ng pamahalaang lokal ng San Nicolas.
Nagtungo ang alkalde sa nasabing barangay para inspeksyunin ang natapos na proyekto na nagbigay rin ng pagkakataon kay 𝐏𝐁 𝐉𝐚𝐬𝐨𝐧 𝐑𝐚𝐦𝐢𝐫𝐞𝐳 upang magpasalamat sa suporta at tulong ni Mayor Alice sa kanilang barangay.
#BarangayStoTomas#SolarDryingPavement#DryingHarvestsMadeEasier#MayorAliciaPrimiciasEnriquez
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride