Abot tenga ang ngiti ng 25 Electrical Installation and Maintenance TESDA scholars nang kanilang tanggapin ang starter toolkits at food packs mula sa pamahalaang lokal ng San Nicolas kaninang umaga sa araw ng kanilang pagtatapos.

Bahagi ito ng pakikipagtulungan ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez kay ๐˜ฟ๐™€๐™‰๐™ ๐˜ผ๐™จ๐™จ๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™–๐™ฃ๐™ฉ ๐™Ž๐™š๐™˜๐™ง๐™š๐™ฉ๐™–๐™ง๐™ฎ ๐™›๐™ค๐™ง ๐™€๐™ฃ๐™›๐™ค๐™ง๐™˜๐™š๐™ข๐™š๐™ฃ๐™ฉ ๐˜ผ๐™ฉ๐™ฉ๐™ฎ. ๐˜ฟ๐™–๐™ฃ๐™ž๐™š๐™ก ๐˜ฟ๐™–๐™ง๐™ž๐™ช๐™จ ๐™ˆ. ๐™‰๐™ž๐™˜๐™š๐™ง upang mabawasan at tuluyang masugpo ang forest fires sa bayan ng San Nicolas sa pamamagitan ng pagbibigay ng alternative source of income sa mga forest dweller at hunter.

Sa kaniyang mensahe, ipinaabot ni Mayor Alice ang pasasalamat kay Asec. Nicer sa kaniyang suporta sa napakagandang hakbangin na ito na naglalayong mapangalagaan ang kabundukan sa bayan.

โ€œAng hakbanging ito ay isang alternatibong solusyon tungo sa pangangalaga at proteksyon sa ating likas na yaman. Bilang aming bahagi, nagbigay tayo ng starter toolkits sa kanila upang may magamit sila sa pagsisimula ng kanilang hanapbuhay,โ€ saad ni Mayor Alice.

Binigyang diin din ng alkalde ang kahalagaan ng pag-aaral, pagpapaunlad ng mga kasanayan, pagsusumikap, at pagtiyatiyaga upang matupad ng scholars ang kani-kanilang mga minimithing mga pangarap sa buhay.

Samantala, ibinahagi naman ni ๐˜พ๐™€๐™‰๐™ ๐™Š๐™›๐™›๐™ž๐™˜๐™š๐™ง ๐™๐™ค๐™ง. ๐™๐™ž๐™˜๐™ค ๐™‚. ๐˜ฝ๐™ž๐™–๐™™๐™ค sa mga TESDA Scholar na ang kanilang natanggap na mga kasanayan ay mahalagang kasangkapan para sa pangangalaga ng kalikasan at mabisang solusyon upang mabawasan ang forest fires sa mga kabundukan ng San Nicolas.

#AwardingOfToolkits#FoodPacks#DENR#ForestDweller#ForestHunter#AlternativeSourceOfIncome#ElectricalAndInstallationMaintenance

#Livelihood#Employment#ThankYouAsecNicer#SaTESDALingapAyMaasahan

#GreenInitiativesForABetterSanNicolas#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *