Bilang paggunita sa mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa kalayaan ng bansa, isinagawa ng Pamahalaang Lokal ng San Nicolas ang isang makabuluhang flag-raising at wreath-laying ceremony ngayong Hunyo 12.
Sa temang โKalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan,โ muling binalikan ng mga dumalo ang makasaysayang laban para sa kalayaan mula sa mahigit 300 taon ng pananakop ng mga Espanyolโna nagwakas sa pagproklama ng kasarinlan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898.
Nakiisa sa pag-aalay ng bulaklak sa alaala ng mga bayani ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, kabilang sina Municipal Councilors Amorsolo Pulido, Kiko Bravo, Queen Descargar, at Jairus Thom Dulay. Dumalo rin ang mga pinuno ng mga departamento ng LGU, mga opisyal ng barangay, mga kinatawan ng Sangguniang Kabataan, DepEd San Nicolas, Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, at mga estudyanteng kumukuha ng kursong kriminolohiya mula sa PUNP-Tayug.
Maligayang Araw ng Kasarinlan, Inang Bayan!
#Kalayaan#Kinabukasan#Kasaysayan#ArawNgKasarinlan#127thIndependenceDay#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride