𝐌𝐈𝐍𝐈 𝐅𝐎𝐑𝐄𝐒𝐓, 𝐍𝐈𝐋𝐀𝐆𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐂𝐎𝐍𝐂𝐑𝐄𝐓𝐄 𝐅𝐎𝐎𝐓 𝐏𝐀𝐓𝐇𝐖𝐀𝐘

Ang dating mabuhangin at maputik na bahagi ng mini forest ng San Roque ANP Pilot School ay nalagyan na ng concrete foot pathway sa tulong ni Mayor Alice at ng pamahalaang lokal ng San Nicolas.

Ang 19.8 cubic meter na pathway ay ang pinakabagong proyektong pinondohan mula sa Special Education Fund na nagpapatunay sa matibay na suporta ng LGU sa mga paaralan sa buong bayan.

Sa kaniyang pagbisita, hiniling ng nasabing paaralan na pinangungunahan ni Principal Lilibeth Lucas ang pagkakaroon ng extension ng school canteen na layong mas mapaganda at maisaayos pa ang serbisyo para sa mga mag-aaral, guro, magulang kabilang na ang buong komunidad.

#ConcretePathway#SanRoqueANPPilotSchool#SpecialEducationFundProject#ProjectInspection#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon