Dahil sa patuloy na ginagawang pagsasaayos at pagpapaganda sa bayan ng San Nicolas at sa kanilang marubdob na hangaring makapagsilbi sa lahat ng sektor lalo na sa mga nangangailangan, pinuri ni Rev. Fr. Farley Castro ang buong pamilya Primicias sa kaniyang homily na idinaos sa Brgy. San Felipe East bilang bahagi ng muling pagbubukas ng Agpay Ecotourism Park.

Binigyang diin ng kura pรกrokรณ ang kahalagahan ng pagmamalasakit at serbisyo sa mga kababayang San Nicolanian at hinikayat ang lahat ng mga lokal na opisyal ng barangay na gampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin nang walang pasubali.

Samantala, dinagsa ang eco park ng mga kawani ng Kagawaran ng Edukasyon, LGU San Nicolas, Sangguniang Kabataan, Liga ng mga Barangay, at mga lokal na residente na nakisaya, naki-zumba, at nakipagkaisa sa nasabing okasyon.

Dito rin ginanap ang pormal na pagbubukas ng Mayorโ€™s Cup Inter-District Volleyball Tournament na nagdiriwang din dahil sa napakaraming youth at sports development programs sa bayan ng San Nicolas.

#FatherFarleyCastro#Homily#CompassionAndService#AgpayEcotourismPark#GrandReopening#MayorsCupGrandOpening#VolleyballTournament#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon