๐‹๐”๐๐†๐€๐Ž-๐’๐€๐‹๐ˆ๐๐†๐‚๐Ž๐ ๐‘๐Ž๐€๐ƒ ๐‚๐Ž๐๐‚๐‘๐„๐“๐ˆ๐๐†, ๐Œ๐€๐’ ๐๐ˆ๐๐€๐ƒ๐€๐‹๐ˆ ๐€๐๐† ๐ƒ๐€๐‹๐Ž๐˜ ๐๐† ๐“๐‘๐€๐๐’๐๐Ž๐‘๐“๐€๐’๐˜๐Ž๐ ๐’๐€ ๐๐€๐˜๐€๐

Sa pangunguna ni Cong. Marlyn “Len” Primicias-Agabas, muling naisakatuparan ang isang mahalagang hakbang tungo sa mas maayos at ligtas na transportasyon sa bayan ng San Nicolas sa pamamagitan ng Lungao-Salingcob Road Concreting Project.

Naglalayong mapabuti ang daan para sa mas mabilis at komportableng biyahe ng mga residente, saklaw ng proyektoang 205 metro ang haba, 5 metro ang lapad, at 0.20 metro ang kapal sa pangunahing bahagi ng kalsada, habang ang karagdagang bahagi ay may 12 metro ang haba, 4 metro ang lapad, at 0.20 metro ang kapal.

Ayon sa mga residente, malaking tulong ang proyekto sa kanilang pang-araw-araw na paglalakbay, lalo na sa mga magsasaka at negosyante na umaasa sa maayos na daan para sa kanilang hanapbuhay.

Nagpasalamat naman si Mayor Alicia Primicias-Enriquez sa patuloy na pagsisikap ni Cong. Marlyn sa pagpapabuti ng imprastruktura sa bayan na bahagi ng mas malawak na inisyatiba upang mapalakas ang koneksyon ng mga barangay at mapadali ang daloy ng transportasyon.

#LungaoSalingcobRoadConcreting#EaseOfTransportation#SerbisyoANaimpusoan#ThankYouCongMarlyn#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You missed