Isang matagal nang kahilingan ng mga residente sa Sitio Arwas, Brgy. Poblacion East ang natugunan matapos maisakatuparan ang pagpapasemento ng Mabini Extension, isang proyekto sa ilalim ng Development Fund ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas.

Noong Setyembre 23, 2024, personal na nagtungo si Mayor Alicia Primicias-Enriquez kasama ang Sangguniang Barangay sa pangunguna ni 𝐏𝐁 𝐉𝐨𝐬𝐞 𝐂𝐡𝐚𝐝 𝐌. 𝐒𝐞𝐫𝐪𝐮𝐢ñ𝐚 upang inspeksyunin ang dating maalikabok at mabatong kalsada, na ngayon ay ganap nang sementado. May habang 189 metro at lapad na 3.2 metro, ang bagong kalsada ay inaasahang magpapabilis sa daloy ng transportasyon at magpapahusay sa kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan.

“Ang kalsadang ito ay pundasyon ng progreso ng ating bayan—mas maayos, mabilis, at ligtas na ang biyahe ng ating mga kababayan,” ani Mayor Alice, na nagpahayag ng patuloy na suporta sa mga proyektong pang-imprastruktura.

Bukod sa pagbibigay-ginhawa sa paglalakbay ng mga residente, ang proyekto ay may malaking papel din sa transportasyon ng produktong agrikultural mula sa bukirin patungo sa pamilihang bayan, na may layuning palakasin ang lokal na ekonomiya.

Ang pagpapasemento ng Mabini Extension ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan upang maisulong ang mas maayos at mas ligtas na komunidad para sa lahat ng San Nicolanians.

#BarangayPoblacionEast

#SitioArwas#MabiniExtension

#RehabilitationAndImprovementOfRoad

#DevelopmentFund

#ConcretePathsOfProgress

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *