Napawi ang pangamba ng mga magulang ng Everlasting Child Development Center sa Sta. Maria East nang tugunan ng pamahalaang lokal ng San Nicolas ang kanilang kahilingan na maayos ang ceiling ng kanilang klasrum.

โ€œTuwing umuulan, tumutulo ang tubig-ulan sa loob ng klasrum. Gumagamit kami ng mga pansalong batyaโ€™t timba upang hindi mabasa ang sahig. Halos mahulog na rin ang mga ilaw dahil sira-sira na ang kisame na sadyang delikado para sa mga estudyante,โ€ salaysay ni ๐“–. ๐“ก๐“ธ๐“ซ๐“ฎ๐“ป๐“ฝ ๐“๐“ฌ๐“ฎ๐“ท๐“ช๐“ผ, guro ng Cattleya CDC.

Tinatayang nasa 151.06 metro kuwadrado ang ikinabit at pininturahang kisame na nagbigay ng kasiyahan sa mga magulang at estudyante dahil na rin sa agarang pagtugon ni Mayor Alice sa kanilang hinaing.

Saad ng alkalde sa kaniyang pag-iinspeksyon sa proyekto, isusunod niyang lagyan ng tiles ang flooring ng Everlasting Child Development Center upang mas maging komportable ang mga mag-aaral habang natututo mula sa kanilang lessons.

โ€œNang mabanggit ni Mayor Alice ang kaniyang susunod na plano, ibayong sayaโ€™t sigla ang naidulot nito sa aking mga estudyante at kanilang mga magulang. Sisikapin naming pangangalagaan ang kisame upang hindi na ito magdulot ng pangamba sa amin,โ€ pagtatapos ni รcenas.

#CeilingInstallation#CeilingPainting#CattleyaChildDevelopmentCenter#BrgyStaMariaWest#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon