Mula sa datos ng Municipal Tourism Office, pumalo sa 12,866 o 247.73% increase ang mga turistang bumisita sa tatlong kilalang tourist destinations sa bayan ng San Nicolas, ang Agpay Eco Park, Puyao River Picnic Grounds, at Malico, ang Little Baguio ng Pangasinan.
Mula Marso 28-31, umabot sa 7,400 ang bumisita sa Malico, 3,500 naman sa Puyao Picnic Grounds habang 1,966 naman ang namasyal sa Agpay Eco Park.
Makikitang umakyat ang bilang ng mga turista kumpara noong nakaraang taon na pumalo lamang sa 3,700 tourist arrivals kung saan nasa humigit-kumulang 3,000 ang nagdiwang ng Semana Santa sa Puyao at nasa 500-700 turista naman sa Malico.
Ikinatuwa naman ito ni Mayor Alice dahil marami ang mga San Nicolanian na nabigyan ng oportunidad upang mas maiangat pa ang kanilang pangkabuhayan dahil sa paglago ng turismo. Nakatulong aniya ang social media upang mas makilala pa ang bayan ng San Nicolas.
#TouristArrivals#SanNicolasTouristDestinations#SeePangasinan#LoveThePhilippines#AgpayEcoPark#MalicoTheLittleBaguioOfPangasinan#PuyaoRiverPicnicGrounds#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride