Matapos ang kanilang orientation, sumailalim agad sa Bread and Pastry Production NC II training ang 25 scholars ng San Nicolas, Pangasinan Training and Assessment Center sa Brgy. Salingcob.
Ang Bread and Pastry Production NC II ay isang technical-vocational program na nagpapaunlad ng kakayahan ng mga mag-aaral sa paghahanda at paggawa ng mga produktong panaderya o pastry, cake, at dessert sa loob ng 18 araw upang maging pandaigdigang mapagkumpitensyang mga panadero at pastry commis.
Sinabi ni Higinio Villar III, TESDA trainer, na nasaksihan n’ya ang ‘excellence’ ng mga scholar dahil sa kanilang willingness na paghusayin pa ang kanilang skills sa bread at pastry production.
“Sa tulong nina Mayor Alice, Cong. Marlyn, at ng LGU San Nicolas, nagkakaroon na ako ng formal training sa baking dahil ito ang aking interes. Balak kong magtayo ng negosyo pagkakuha ng aking national certificate kung magkaroon man ako ng puhunan,” ani Christabel Agno-Facundo, 34, ng Brgy. Poblacion East.
Saad naman ni Zyrus Arquero, 23, ng Brgy. Malilion, na sa loob lamang ng apat na araw natuto na sila sa paggawa ng pande coco, cinnamon roll, ensaymada, ube cheese pandesal, at iba pang bakery products na magagamit niya umano sa paghahanap ng trabaho balang araw.
#TESDALingapayMaaasahan#TESDAAbotLahat#TESDAScholars#FreeTESDATraining#BreadAndPastryProduction#NCII#SNPTrainingAndAssessmentCenter#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride