Sa pangalawang linggo ng Enero 2024, bumisita si Mayor Alicia Primicias-Enriquez sa Cacabugaoan Elementary School upang personal na masilayan ang natapos na tiling project sa kanilang Multi-Purpose Covered Gymnasium.

Ang nasabing proyekto ay suporta ng Local Government Unit sa pangunguna ni Local School Board (LSB) Chairperson-Mayor Alice, na patuloy na nagbibigay diin sa malinaw at may pananagutang paggamit ng Special Education Fund o SEF para mapaganda ang pasilidad sa mga paaralan sa San Nicolas.

Nang dumating si Mayor Alice, hindi napigilan sa sobrang saya ng mga estudyante na lumabas mula sa kanilang mga silid-aralan. Masigla nilang tinanggap ang Mayor, at sa kanilang mga mukha’y mababasa ang pasasalamat at kasiyahan sa pagpapakita ng suporta ng LGU.

Ang LSB-funded Multi-Purpose Covered Gym, na kung saan ang paglapat ng tiles ay nagbibigay buhay sa lugar, ngayon ay nagiging mas maayos at nasa kondisyon para sa iba’t ibang aktibidad tulad ng programa, palaro, at iba pang okasyon para sa komunidad at paaralan.

Sa isang maikling programa, binigyang pagkakataon ni Mayor Alice na makipag-ugnayan sa mga estudyante, guro at mga magulang. Ibinahagi niya ang mensahe ng kasiyahan sa pagtatapos ng proyekto at ang kahalagahan ng pagsusumikap at kooperasyon ng bawat isa.

“Ito’y simbolo ng ating kolektibong aksyon, laloโ€™t hindi lang ito effort ng LGU. May dignidad sa bawat proyekto: dahil kung sa amin ang construction materials, tinapatan iyon ng labor mula sa school management. Maiging may counterpart system, may ownership at accountability sa project.โ€

Kasabay ng inspeksyon, tinuklas rin ni Mayor Alice at ang kanyang team ang iba’t ibang naka-line up na proyekto at aktibidad para sa mga darating na buwan, na naglalayong mas mapabuti pa ang kalidad ng edukasyon sa Cacabugaoan Elementary School. Kasama ang mga sectoral partners, bukas ang LGU sa pakikipagtulungan para sa mas mataas na antas ng edukasyon.

#TilingProject

#EdukasyonParaSaLahat

#SpecialEducationFundProject

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon