โ€œBiyayang maituturing si Mayor Alice at ang LGU San Nicolas para sa ating out-of-school youths dahil sa napakalaking bahagi nila upang makatapos sila sa kanilang pag-aaral. Nabibigyan ng katuparan ang kanilang mga pangarap sa buhay upang maging kapaki-pakinabang na miyembro ng ating komunidad at ng buong bansa.โ€

Ito ang naging pahayag ni ๐““๐“ป. ๐“ก๐“ฎ๐“ท๐“ช๐“ฝ๐“ธ ๐“ค๐“ถ๐“ฒ๐“น๐“ฒ๐“ฐ, public schools district supervisor ng San Nicolas I, nang tanggapin niya at kaniyang mga kasamahan ang mga regalong handog ni Mayor Alice bunga ng walang sawang pagsuporta ng alkalde sa lahat ng programa ng Department of Education (DepEd) at Alternative Learning System (ALS).

Personal na tinanggap ni Dr. Umipig kasama sina Principal Dominador Dulay Jr., Head Teacher Joven Rapanot, at San Nicolas Districts I at II ALS teachers na sina Eva Nilda Luzano, Marichan Ignacio, Medelita Doton, May Farrah Agyapas, Shanine April Laurenciano, at Ofemia Carilla ang apat na units ng Epson Ecotank L3219 multifunction printer, dalawang units ng A3 Laminator 320 na laminating machine, at dalawang units ng Beyonder Pro Comb Binder C24D binding machine.

Sumang-ayon naman si Teacher Ofemia Carilla sa sinabi ni Dr. Umipig na kapaki-pakinabang ang mga regalong ito lalo na sa printing ng modules, lamination ng instructional materials, at binding ng portfolios ng ALS learners.

Dagdag pa ni Dr. Umipig, kailangan pa ng ALS teachers ng laptop para sa preparasyon ng kanilang reports at kung kakayanin na sa bawat school o barangay ay may sariling mga Community Learning Center o lugar kung saan isinasagawa ang pag-aaral ng ALS.

Ang ALS ay isang programa ng DepEd na naglalayong matulungan ang mga out-of-school youths, mga manggagawa, may-kapansanan, nakalaya sa bilangguan, dating rebelde ng gobyerno, mga katutubo, at iba pang tao na hindi nakapasok sa paaralan o hindi nakatapos ng pag-aaral ngunit nagnanais matuto at magpatuloy sa pag-aaral.

#SupportToAlternativeLearningSystem#DepartmentOfEducation#OutOfSchoolYouths#Printer#LaminatingMachine#BindingMachine#CommunityLearningCenter#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon