Mas malawak at mas komportableng espasyo para sa mga aktibidad ng paaralan at komunidad ang hatid ng social hall extension ng Villa Jose Elementary School na may sukat na 48 metro kuwadrado.
Sa pangunguna ni ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ก๐๐ซ ๐๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐. ๐๐ ๐ฎ๐ข๐ซ๐ซ๐, isinagawa ang concreting at steel works upang matiyak ang tibay at kalidad ng estruktura na idinisenyo upang mapalawak ang kapasidad ng pasilidad para sa ibaโt ibang programa at pagtitipon.
Ang proyektong ito ay naging posible sa pamamagitan ng suporta ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez, katuwang ang pamunuan ng paaralanโisang patunay ng kanyang malasakit sa sektor ng edukasyon at sa patuloy na paghubog ng ligtas at angkop na espasyo para sa mga kabataang San Nicolanian.
Ayon sa pamunuan ng paaralan, ang proyekto ay tugon sa lumalaking pangangailangan ng mas malaking espasyo para sa mga seminar, pagpupulong, at iba pang pang-edukasyong aktibidad. Inaasahan ding magiging kapaki-pakinabang ito sa mga residente ng Brgy. Calanutian, na madalas gumamit ng social hall para sa mga aktibidad ng barangay.
No Images.
Please upload images in images manager section. Click on Manage Images button on the right side of the gallery settings.
#SocialHallExtension#WiderMoreComfortableSpace#VillaJoseElementarySchool
#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride